Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P72M na nilibreng toll sa mga frontliner – SMC

0 101

Mahigit 10,000 medical frontliner ang nakinabang sa libreng toll ng San Miguel Corporation na pinatupad simula nang kauna-unahang enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso.

Ayon sa SMC, P72 milyon na ang toll na hindi nito kinolekta bilang benepisyo para sa mga doktor, nurse, at medical at laboratory technician. Ipagpapatuloy pa rin umano ng SMC ang pagbbigay ng naturang benepisyo hanggang matapos ang pandemya.

Sabi ni SMC president Ramon S. Ang, sa ganitong programa maipapakita ng kanilang kompanya ang pasasalamat at suporta sa medical sector at patuloy pa silang maghahanap ng ibang paraan para makatulong sa mga frontliner.

“It has been six months since we started the free toll program for medical frontliners. Despite the worst and longest health and economic crisis we have experienced as a country, there is still much we have to be grateful for, thanks to the continued service, dedication, and sacrifices of our medical frontliners,” sabi ni Ang.

Aniya, konti na lang ang natatanggap na aplikasyon ng kompanya para sa mga RFID sticker kayat tututukan na nito ang pamamahagi ng libreng RFID sticker para sa regular na motorista para cashless na ang pagbayad nila sa mga toll ng SMC. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.