Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P750 minimum wage delikado sa mga negosyo – DOLE

0 192

Dapat pag-aralang mabuti ang petisyon na taasan ang minimum wage sa bansa dahil baka hindi ito kayanin ng mga employer at mapuwersang magsara na lamang, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Ani Bello, bagama’t dapat timbangin ang kapakanan ng mga employer at empleyado, baka humantong pa sa malalang sitwasyon na pagtaas ng unemployment rate kung hindi mababayaran ng employer ang mga manggagawa nito.

“If we will grant or recommend the approval of the petition na tataasan `yong suweldo from P537 to P700 o P750, baka hindi makayanan ng mga employer. Baka ang mangyayari niyan, `pag tinaasan `yan, they will be compelled to shut,” pahayag ni Bello sa televised briefing nitong Huwebes.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.