Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P750 umento itutulak pagbukas ng Kongreso

0 62

Ipupursigi ng Gabriela party-list sa pagbukas ng sesyon ng 19th Congress na mapagtibay ang matagal na nilang panukala na P750 national minimum wage sa mga manggagawa.

Partikular na kinalampag ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang House committee on labor and employment na aksiyunan na sa lalong madaling panahon ang House Bill No. 246 o National Minimum Wage Bill na inihain ng Makabayan bloc.

Kasunod na rin ito ng inaprubahang P33 minimum wage increase para sa mga manggagawa sa Metro Manila worker na iginiit nitong hindi nakakasapat o kulang na kulang.

Nagmistulang limos lamang aniya ang ibinigay na umento para sa mga manggagawa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin gayundin ng mga produktong petrolyo.

Dahil dito, hiling ni Brosas sa mga kapwa mambabatas na pakinggan ang panawagang P750 national minimum wage ng mga manggagawa. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.