Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P750K ecstasy buking sa package

0 108

Kinumpisa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang 196 piraso ng ecstasy at 151 gramo ng raw ecstasy sa Central Mail Exchange Center sa Pasay.

Pindala ang parcel ng isang Jansen J.J.K. mula Amersfoort, Netherlands, na dineklara bilang key chain at dadalhin sa Cebu City. Sa pagsusuri dito, natuklasang naglalaman pala ito ng party drug na may tinatayang halaga na P750,000.

Kinumpirma ng PDEA chemical laboratory na ang mga tableta at ang crystallized na sangkap ay naglalaman ng MDMA o ecstasy/molly. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.