Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P7M marijuana nakalkal sa imburnal

0 71

MAHIGIT P7 milyong pinatuyong dahon ng marijuana ang natagpuan sa sewer tunnel o imburnal sa Sitio Anonang Liwan, Rizal, Kalinga noong Miyerkules.

Ayon kay Rizal Police Station (RPS) chief-of-police P/Capt. George Acob, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa transportasyon ng marijuana mula Brgy. Agbanawag, Tabuk City patungong Tuguegarao City kaya’t bumaga sila ng mga checkpoint.

Sinabi ng opisyal na kinalaunan, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang “police asset” na may nakitang nakasilid na tatlong sako sa isang imburnal sa Sitio Anonang Liwan, sa nasabing bayan.

Nang beripikahin ng mga otoridad ang laman ng mga sako ay nakita ang 24 tubular at 53 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.