Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P7M pekeng mags sinamsam ng NBI

0 303

Tinukoy ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) na aabot sa P7 milyong halaga ng pekeng Black Rhino wheels ang kabuoang nasabat mula sa iba’t ibang establisimyento sa Metro Manila.

Naghain ng reklamo ang Nicholas and De Vega Law Offices, na kumatawan sa manufacturer ng Black Rhino Wheels na Just Wheels Corp. ng California, USA sa ilalim ng TSW Alloy Wheels at ang Wheel Gallery Inc. na exclusive at sole distributor ng Black Rhino Wheels trademark.

SM food to go Banner Ad

Nagsagawa umano ng surveillance at test buy bago kinasa ang operasyon noong Oktubre 23. Sa Maynila sinalakay ang Annika Tire Center, Raf Tire Center, Empire Tire Center, E.S. Fargo Tire Center, Fargo Tire Center. Habang sa Quezon City ay NCL Miller at R.A. Alawiya. Samantalang sa Parañaque City ay Gomags Trading, at Golance Tire Center Wheelhaus Autocare at bodega nito sa Makati City.

May 638 piraso ng pekeng Black Rhino Wheels ang nakumpiska ng NBI. Unang lumabas sa Tonite ang pagsalakay ng NBI sa mga tindahan at warehouse kasunod ng reklamong natanggap laban sa mga nagtitinda ng pekeng mags ng nasabing brand. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.