Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P7M shabu bumulaga sa FedEx warehouse

0 59

Nasabat ng mga awtoridad ang nasa 1.1 kilo ng shabu na may street value na mahigit P7 milyon sa loob ng dalawang parcel sa FedEx warehouse.

Isinagawa ang paghalughog sa bodega ng FedEx ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.

Ibinigay na sa kustodiya ng PDEA ang mga nasamsam na droga matapos isailalim sa physical examination sa pamamagitan ng X-ray scanning kung saan nakita ang mga kahina-hinalang imahe sa dalawang parcel at ipinaamoy pa sa K-9.

Related Posts

Nakaipit umano ang apat na plastic ng shabu sa mga ipinadalang t-shirt at nang halukayin ay nakumpirma na droga ito.

Nalaman na galing umano sa Malaysia ang shabu na idineklatang “cloths slipper” at “cloths slipper jung food chip”.

Nagsasagawa na ng case profiling laban sa mga responsable sa shabu shipment subalit wala pang binanggit na pangalan ng mga sangkot dito base sa inilabas na pahayag ng BOC kahapon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.