Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P7M shabu natisod sa 2 big-time drug dealer

0 182

Aabot sa halos P7 milyong halaga ng shabu ang narekober sa ikinasang joint buy-bust operation ng ahensya, Bulacan Provincial Intelligence Unit at Marilao Municipal Police Station sa Marilao sa Mc-Arthur Highway, Barangay Ibayo, Marilao, Bulacan, Biyernes ng hapon.

Sa report kay P/Col. Lawrence B. Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nakilala ang suspek na sina Yasher Corot Mamowala at Ansano Rakiit Domagay, kapwa kabilang sa PDEA drug watch list na nakumpiskahan ng isang malaking transparent plastic na binalot ng tape at naglalaman ng shabu na may bigat na 1,000 grams at nagkakahalaga ng P6.8 milyong piso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Alas-4:20 ng hapon noong Biyernes nang ikasa ang operasyon sa pangunguna ni P/Lt. Col. Dominador Ignacio, Chief of Police ng Marilao PNP, bago nakipagtransaksyon ang dalawang suspect sa undercover agent ng PDEA at Bulacan PNP sa isang parking lot sa Mac Arthur Highway.

Hindi na nakapalag ang dalawa nang tanggapin ang buy-bust money. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.