Abante Tonite Interactive

P8.9M Megalotto jackpot nasungkit

By
0 151

Nadale ng isang mananaya ang Megalotto 6/45 jackpot na nagkakahalaga ng mahigit P8.9 milyon na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Biyernes ng gabi.

Ayon sa PCSO, tinamaan ng masuwerteng bettor ang winning numbers na 30-16-25-26-31-10.

Nasa 44 na mga mananaya naman ang nakadale ng limang number at nanalo ng P14,500 bawat isa.

Binobola ang Megaloto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes.