Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P80M pekeng N95 mask, smuggled yosi nasabat ng BOC

0 225

Aabot sa P80 milyong halaga ng pekeng N95 mask at smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC).

Sa pahayag ng BOC kahapon, sinalakay nito ang isang warehouse sa in Brgy. Sta. Rosa Marilao, Bulacan noong Miyerkoles at nakumpiska ang mga nasa 1,000 case ng smuggled cigarette at 648 kahon ng pekeng N95 mask na kinopya ang disenyo at logo ng mga kilalang luxury fashion brand.

Dinala na sa Enforcement and Security Services office ng BOC sa Port Area, Manila ang mga kinumpiskang produkto.

Ayon sa ahensya, “The latest apprehension affirms the Bureau’s steadfast committment in preventing the entry of smuggled items into the country as well as protecting the public from the dangers of using fake items such as protective equipment especially during this time of pandemic.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.