Abante Tonite Interactive

P83M lupain sa Metro Manila, Bulacan ibebenta ng BIR

0 353

Isusubasta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang nasa P83.18 milyong mga real estate property sa Metro Manila at Bulacan sa darating na Setyembre 20.

“Pursuant to the provisions of Section 216 of the National Internal Revenue Code of 1997, as amended, the (BIR) will sell at public auction for cash or manager’s check to the highest bidder (several real estate properties,” ayon sa abiso ng BIR na inilabas noong Agosto 7.

Gagawin ang public auction sa BIR National Office sa Agham Road, Diliman, Quezon City. Magsisimula ang pagsubasta ganap na alas-nuwebe ng umaga.

Kabilang sa mga ibebenta ng BIR ay mga residential, industrial, at agricultural lots, at may mga residential condominium unit din na nagkakahalaga ng mula P960,000 hanggang P17.1 milyon.

Hinimok ng BIR ang mga interesadong lumahok sa public auction na bisitahin ang kanilang website para sa auction guidelines o tumawag sa opisina ng ahensya sa pamamagitan ng Assistant Commissioner, Collection Service, Attention: Forfeited Assets Management Unit sa telephone number na 81-7000 local nos. 7578 and 7496.

Sinamsam ng gobyerno ang mga ibebentang real estate property mula sa mga hindi nakapagbayad ng buwis ng mga nabanggit na ari-arian. (Allan Yves Briones)