Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P863k shabu nasamsam sa 4

0 202

Arestado ang apat na pinaghihinalaang tulak ng ipinagbabawal na droga sa buy bust operatiotion ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3 kahapon ng madaling araw sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang naarestong sina Ramil Gamboa, 36, miyembro ng Commando Gang; Reden Crisostomo, 39; Lester Cezar, 18; at Sherwin Gloria, miyembro ng Bahala Na Gang Gang.

Nakumpiska sa mga suspek ang 125 gramo ng shabu na may street value na P863,600, pekeng 32 pirasong P1,000 bills na ginamit sa buy bust operation.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayundin ang dala nilang sasakyan na Toyota Vios at Yamaha Mio Motorcycle.

Ala-1:50 ng madaling araw nang masakote ang mga suspek sa nabamggit na lugar.

Ang pag-aresto ay bunsod ginawang buy bust laban sa mga suspek kung saan isang pulis ang nagsilbing poseur buyer. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.