Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P888M paghahatian ng 97K frontliner

0 46

Mayroon pang karagdagang P888 milyong pondo na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa special risk allowance na paghahatian ng mahigit 97,000 frontliner, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing nitong Sabado na oras na inilabas ng DBM ang Special Allotment Release Order (SARO) sa Lunes ay ipadadala kaagad ang pondo sa mga ospital para maibigay sa mga frontliner.

“This will cover about 97,560 health care workers,” ani Vergeire.

Inihayag ni Vergeire na una nang naglabas ng kabuuang P311.79 milyong pondo para sa SRA ng nasa 20,000 frontliner bukod pa sa P7 bilyon na para sa mahigit 300,000 health worker.

Samantala, hindi umano matukoy ng DOH kung ilang frontliner ang hindi pa nakakatanggap ng kanilang SRA dahil marami png health facility ang nagsusumite pa lamang ng listahan ng mga eligible beneficiary sa mga regional office ng kagawaran.

Leave A Reply

Your email address will not be published.