Abante Tonite Interactive

P8M gagamitin sa vote buying, nakumpiska sa Caraga

203

Sa kabuuang P12 milyon na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa serye ng mga vote buying sa katatapos na midterm election, walong mil­yong piso ang nasamsam mula sa Caraga Region.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni P/Col. Bernard Banac na aabot sa kabuuang halagang P12,208,958 ang nakumpiskang pera ng pulisya hanggang Martes, Mayo 14, kontra vote buying sa buong bansa.

Ayon kay Banac, Caraga region ang may pinakamalaking nasamsam na pera sa vote buying habang 10 ang naarestong suspek na sinundan ng Northern Mindanao na nakakumpiska ng aabot sa P1.12 milyon mula sa 17 suspek na naaresto habang 24 naman ang nadakip sa mga vote buyin­g operation sa Ilocos region kung saan nakakumpiska ng P561,000 halaga ng pera.

Abante Hiring – IT dep

Sa ngayon ayon pa kay Banac, kasaluku­yang sinampahan na ng kaso ang mga nadakip na suspek habang ang mga nasamsam na pera ay gagami­ting ebidensya laban sa mga ito.

Matatandaang una ng sinabi ni PNP chief General Oscar Alba­yalde ang talamak na vote buying incident sa buong bansa nitong nakaraang halalan.

Subalit inamin din ng opisyal na mahirap umanong mapatuna­yan ang alegasyon ng vote buying laban sa isang kandidato. (Edwin Balasa)