Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P8M marijuana naharang sa checkpoint

0 179

HINDI nakaligtas sa checkpoint ang paspuslit ng isang lalaki ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng halos P8 milyon sa bayan ng Tabuk City, Kalinga noong Linggo.

Ayon sa Tabuk City Police Station, inaresto sa checkpoint si Michael Assudo, 35, taga-Barangay Loccong, Tinglayan, ng nasabing lalawigan.

Sa report ng TCPS, sakay ng kanyang motorsiklo nang parahin si Assudo sa isang police checkpoint sa Barangay Calanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa report, ayon kay Kalinga Police Provincial Office DIRECTOR P/Col. Davy Vicente Limmong, imbes na huminto, bigla itong humarurot kaya hinabol ng mga pulis.

Nasukol ang suspek sa Barangay Bado, Dangwa, Tabuk City. Nakita ang isang box ng kilalang courier company pero nang suriin ay nakita sa loob nito ang 65 bricks ng high grade marijuana dried leaves na tumitimbang ng mahigit 65 kilos at nagkakahalagang P7.8 milyon .

Ayon KPPO DIRECTOR, galing umano sa Tinglayan ang mga marijuana na idedeliver sana sa di pa matukoy na indibidwal. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.