Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P8M marijuana sinunog sa Kalinga

0 220

Pumalo sa P8 milyong halaga ng pananim na marijuana ang sinira ng mga pulis sa dalawang araw nilang operasyon sa Tinglayan, Kalinga kamakailan.

Sinabi ng Kalinga Police Provincial Office, Miyerkoles nang mapasok nila ng Regional Intelligence Unit ng Cordillera Police, Philippine Drug Enforcement Agency Kalinga, Criminal Investigation and Detection Group Kalinga at Naval Forces Northern Luzon ang dalawang taniman ng marijuana sa Barangay Loccong.

Sa report, Huwebes nang matapos nila ang operasyon kung saan binunot nila ang mga iligal na droga at saka sinunog.

SM food to go Banner Ad

Sinabi ng pulis na sa unang taniman ay umabot ng 1 square meter ang lawak, kung saan nasa higit kumulang 10,000 malalaking halaman ng marijuana ang naroon at may street value umano itong P2 milyon.

Nasa humigit-kumulang 30,000 naman na mga marijuana ang nakuha sa ikalawang taniman na mayroong 3,000 sqm ang lawak. Tinatayang nasa P6 milyon ang halaga ng mga tanim dito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.