Abante Tonite Interactive

P9.3M premyo ni Saso pangsuporta sa mga bagitong golfer

PUSONG BUSILAK!

By
503

Hindi pa handa si Yuka Saso na maging professional golfer, marami pa raw siyang torneo na kailangang salihan.

Ito ang dahilan kaya hindi niya tinanggap – pati na ang teammates niya sa Philippine women’s golf – ang P2 million cash incentive mula sa Philippine Olympic Committee.

Kabuuang P9.3 million sana ang tatanggapin ni Saso na incentive mula sa gobyerno.

Pumalo ng individual­ gold si Saso sa 2018 Asian Games sa Indonesia nitong nakaraang buwan, hinatak din ang teammates niyang sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa team gold.

“Meron po kaming amateur status, ‘pag tumanggap po kami ng pera, matatanggal po ‘yung amateur status namin,” nakangiting pahayag ng 17-anyos na dalagita pagkatapos tanggapin ang POC incentive bago ang Ginebra-San Miguel Beer game ng PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum Linggo nang gabi.

“Kailangan po na­ming maging professional golfer, and hindi pa po ako ready na maging professional.”

Bukod kina Saso, naka-gold din sa Asiad­ sina lifter Hidilyn Diaz at skateboarder Margielyn Didal. Sa Indonesia ay may 4-2-15 gold-silver-bronze medal harvest ang Pilipinas, tumanggap lahat sila ng incetive noong Linggo.

Ang cash incentive nina Saso ay ibibigay ng National Golf Association of the Philippines para sa development ng grassroots program, para matulungan ang mga bata na gustong matuto ng golf.

May torneo sa Argentina na nakatakdang salihan ni Didal, galing din ang kanyang team mula sa come-from-behind win sa isa pang tournament sa Davao.

“First time ko lang po pumunta ng Argentina, gusto ko lang po mag-enjoy,” aniya. “For sure mga top players na po maglalaro dun. Lahat po sila magagaling. So, get experience and have fun lang.”