Abante Tonite Interactive

P9 pasahe sa jeep epektibo na

By
2,474

Inaprubahan ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng grupo ng tsuper ng mga pampasaherong jeep, ang dagdag na P1 sa kasalukuyang P8 minimum fare sa National Capital Region (NCR).

Sakop din ng desisyon ng LTFRB ang bagong pasahe sa mga public utility vehicle (PUV) na pumapasada sa Region 3 o Central Luzon at Region 4 o ang Calabarzon at Mimaropa Region.
Magkakabisa ang dagdag-pasahe nga­yong Huwebes nang hapon.

Ang orihinal na hinihingi ng mga tsuper at operator ay P2 dagdag sa unang apat na kilometro at P1 kapag rush hour.

Abante Hiring – IT dep

Subalit sa tagal ng LTFRB na desisyunan ang petisyon, pumayag na rin ang petitioner na ibaba sa P1 ang hinihi­ngi nilang dagdag sa pasahe.

Ang P1 dagdag ay ‘provisional’ lamang da­hil itutulak pa rin ng grupo ang karagdagang P1 sa pasahe kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng gasolina at krudo at mga piyesa.