Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P900K ayuda sa pamilya ng OFW na COVID victim

0 556

Makatatanggap ng insurance benefit na naghahalaga ng P750,000 hanggang P900,000 ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello.

“They are entitled to bereavement benefits at tsaka itong insurance. Medyo malaki-laki ang insurance dahil hindi natural death ‘yung kanila, may infection, so aabot ‘yan siguro mga P750,000 to P900,000 maliban sa kanilang death and burial benefits from OWWA,” sabi ni Bello sa panayam ng DZMM.

Nakatakda umanong iuwi ang nasa 301 labi ng mga OFW mula sa Saudi Arabia, 152 sa mga ito ay nasawi dahil sa COVID-19.

Hanggang July 4 lang ang binigay na taning ng Saudi Arabia government para maibalik sa Pilipinas ang mga labi namatay na OFW. Gayunman hindi umano ito magagawa sa nasabing petsa dahil hindi available ang eroplanong susundo. Kaya umapela ang Inter-Agency Task Force na palawigin ang deadline.

Sa tala noong Hulyo 2, nasa 561 na Pinoy sa abroad ang nasawi dahil sa COID-19.

Leave A Reply

Your email address will not be published.