Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P90M marijuana winasak sa Kalinga

0 193

Umabot sa P90 milyong halaga ng marijuana ang binunot at winasak ng pulisya sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa anim na lugar sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PDEG Director Brig. Gen. Remus Medina kahapon, Enero 18 at 19, sinalakay ng kanyang mga tauhan kasama ang iba pang puwersa ng pulisya ang apat na lugar sa Brgy. Loccong at dalawang lugar sa Brgy. Butbut Proper pawang sa bayan ng Tinglayan.

Sa isinagawang operasyon ay 36,000 sqm na taniman ng marijuana ang winasak ng pulisya kung saan aabot sa may P72 milyong halaga ng full-grown marijuana ang binunot habang nasa P18 milyon halaga naman ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam ng awtoridad na kasama ring sinunog.

Samantala, patuloy na pinaghahanap ang mga caretaker at mga may-ari ng nasabing plantasyon ng marijuana. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.