Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P92M Medical mission kinubra sa Philhealth

0 360

Ni Nancy Carvajal

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang ospital sa Zamboanga City ang kumubra ng P92 milyon mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bilang reimbursement para sa kanilang mga pasyenteng ginamot sa isinagawang medical mission at charity event.

Base sa ulat ng NBI-Zamboanga, umabot ng P92 milyon ang kinubra sa PhilHealth ng Eastern Sun Medical Diagnostic Center (ESMDC) mula 2013 hanggang 2018 sa pamamagitan ng manipulasyon sa medical record ng mga pasyente.

Ang raket ng ESMDC, sabi ng NBI, ay mag-recruit ng maraming tao na may sakit man o wala para dumalo sa kunwaring medical mission.

“The fraudulent scheme of ESMDC was to recruit massive number of people under the guise of medical mission within the barangay Siocon as their patients regardless if the person is suffering from ailment or not,” ayon sa NBI.

Noong September 2019, sinampahan ng NBI ng syndicated estafa ang mga may-ari at mga opisyal ng ESMCD sa City Prosecutor’s Office subalit wala pa ring resolusyon ang fiscal na may hawak ng nasabing kaso hanggang sa ngayon, ayon kay NBI agent Jonimar Tongdo.

“Recruiting massive number of people as their patients in the guise of medical mission thereafter assessed them with different diagnosis purposely to avail higher Philhealth benfits,” base sa NBI report na isinujmite sa City Prosecutor’s Office.

SM food to go Banner Ad

Nirekomendang kasuhan sina Ceasar c.Soriano, Dr Fidel Pondevida Jr., Tasnemah A. Pangandaman, Dr Kristine Prayon, Dr. Rukmini A. Alip at Dr. Cynthia Soriano Superable.

Sinabi ni Tongdo sa online news site Politiko (politics.com.ph) na pinalawak pa ng ESMDC ang operasyon nito sa siyam na mga karatig bayan ng Zamboanga City para makahikayat ng mga residente sa kanilang libreng checkup at transportasyon.

Target aniya ng modus ng ESMDC ang mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program at ang mga PhilHealth cardholder.

“The modus targets 4P’s members and all those who are PHIC cardholder thereafter conduct preliminary medical check-ups, diagnose their patient with pneumonia and typhoid fever, so they will be convinced to be confined at the clinic facilities for at least 24 hours,” sabi pa sa NBI report.

Ayon kay Tongdo, tatlong beses sa isang linggo ay nasa 30 hanggang 30 katao ang dinadala ng ESMDC sa iba’t ibang bayan sa Zambanga bilang mga pasyente kapalit ng pangakong free medical expenses at transportation.

“Through false pretenses, ESMDC then charges Philhealth medical laboratory and professional fees,” ayon pa sa NBI.

Inutos na ng pamahalaang lokal ng Siocon na isara ang ESMDC noong 2018 dahil sa talamak at lantarang modus nito subalit wala pang kasong kriminal na isinasampa ang local government unit laban sa mga opisyal at mga may-ari ng ospital, sabi ni Tongdo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.