Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P92M smuggled yosi galing China nasabat

0 106

Sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P92 milyong halaga ng mga smuggled cigarette sa dalawang magkahiwalay na shipment mula sa China na ibinagsak sa Cebu International Port.

Nabatid na nakapangalan sa GRR Trading ang mga shipment na dinala sa Port of Cebu noong Agosto 19 at nakadeklara bilang mga payong at office equipment ang laman.

Ayon kay Jerry Arizabal, Enforcement and Security Service ng Port of Cebu District Commander, isinailalim sa X-ray inspection ang mga kahina-hinalang kargamento at doon na nabuking ang misdeclared shipment.

Una nang nasabat ang nasa 1,092 master case ng Astro cigarettes na nagkakahalaga ng P54.6 milyon na idineklarang mga drawer, table, cabinet at locker ang laman habang nasabat din ang nasa 900 master cases ng Jackpot brand cigarette at 939 master case ng Farstar brand cigarette.

Nilatagan ng warrants of seizure and detention ang mga naturang kargamento at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.