Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9B AFP budget binuro sa PITC

0 83

Pinaiimbestigahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang Philippine International Trading Corporation (PITC), na pinamumunuan ni Dave Almarinez, kaugnay ng naka-park na unutilized fund ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na umabot sa P9.6 bilyon.

Sa interpelasyon ni Drilon sa budget ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nabunyag na may pagkakautang ang PITC sa Sandatahang Lakas, na umabot sa mahigit P9.6 bilyon nitong Oktubre. Ayon sa senador, ang nasabing halaga ay natulog lang sa PITC mula pa noong 2017.

Sa nasabing halaga, P6.3 bilyon ay balanseng utang ng PTC sa Army, P1.9 bilyon sa Navy, P736 milyon sa Air Force at P582 milyon naman sa AFP General Headquarters.

“I think Senator Lacson would agree with me that there should be a more detailed examination of this setup. I am appalled that P9.6 billion at least is in PITC’s hands. The money is sleeping there,” sabi ni Drilon.

Sinabi pa ng Senate chief fiscalizer na kanyang ipasisiyasat sa Senado ang isyu ito ng PITC. “I am confident that the Senate President and the Senate Majority Leader will support this move, because this is something that is really unusual,” ani Drilon.

“Honestly, I do not know anymore the extent of funds sleeping in the coffers of PITC. I think this requires a closer scrutiny,” dagdag pa nito. “In the PITC, there is a military procurement group. May group para sa military purchases because, apparently, regular customer military.”

Naalarma naman si Drilon kung bakit hindi binabalik ng PITC ang naturang halaga sa kaban ng gobyerno kasunod ng Commission on Audit (COA) report na may utang ang PITC sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na nagkakahalaga ng P9.176 bilyon.

Batay sa COA report, paliwanag ni Drilon, ang P9.176 bilyon na tinutukoy ay ang balance of fund sa mga iba’t ibang ahensiya ng gobyerno mula 2009 hanggang 2019 na hanggang ngayon ay hindi pa nagagamit.

Ang PITC, isang procurement agency sa ilalim ng Department of Trade and Industry ay may utang rin sa Philippine National Police na P1.347 dahil sa hindi pa naide-deliver na equipment. Ito rin ang naatasang bumili ng para sa COVID-19 na nagkakahalaga ng P20 bilyon. Kikita umano ito ng komisyon mula isa hanggang limang porsiyneto o P200 milyon hanggang P1 bilyon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.