Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9B IRM fund `pinagapang’ ng mafia – Ping

0 370

Ginisa ni Senador Panfilo Lacson ang mga opisyal ng Philhealth dahil sa paglabas ng bilyong pondo sa pamamagitan ng Interim Reimbursement Mechanism kahit na wala pang guidelines.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole, sinabi ni Lacson na lumabas ang Board Resolution para sa IRM noong Marso 31 o 11 araw bago nag-isyu ng memorandum circular sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Naglabas din ang senador ng dokumento na nagpapakita na bago pinagtibay ang Board Resolution, mahigit P703 milyong IRM fund na ang naibigay sa 24 ospital para sa COVID-19 health emergency.

Ayon pa kay Lacson, bago mailabas ang standard operating procedures para sa IRM fund na ipinamahagi noong Abril 22, ang pondo ay naibigay na sa 279 ospital na nagkakahalaga ng P9.29 bilyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Anong guidelines meron ang nag-i-implement, ang RVPs, kung wala pang issued implementing guidelines or SOP? Kasi SOP naroon parameters and guidelines, how to make a list, all the guidelines are there. How can they release without the SOP? That’s my point, what justified release of P703M and P9.299B?” tanong ni Lacson.

Paliwanag naman ni Philhealth chief Ricardo Morales, nag-panic aniya ang mga opisyal sa pagdating ng COVID-19 kaya minadali nila ang paglabas ng IRM funds.

“Some expediency had to be adopted. Nagmamadali kami mag-release ng pera. But we made sure all releases covered by a contract, account for all funds that were available,” paliwanag ni Morales.

“We got rescue entreaties from hospitals. Yan ang sitwasyon earlier this year when all this was happening. Intention ng PhilHealth maunahan ang COVID,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.