Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9M ecstasy buking sa QC post office, 2 bebot timbog

0 47

Nasabat ng mga awtoridad ang umaabot sa P9.5 milyong halaga ng party drugs sa dalawang claimant sa Quezon City Central Post Office sa Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ni Dir. III Christian Fri­valdo, ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office–NCR at ng NAIA–Inter-Agency Drug Interdic­tion Task Group, ang mga suspek na sina Ma. Isabella Albano, 27-anyos, residente ng Quezon City at Jessica Muñoz, 27 ng Bacoor, Cavite.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 5,637 piraso ng ecstasy (MDMA) tablets na may standard drug price ng P9,582,900 na nakapaloob sa foot massager ng inbound parcel.

Ang nasabing parcel ay idineklara umanong naglalaman ng “children’s toys and apparel” na galing ng Ger­many.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.