Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9M isda sa Taal Lake namatay

0 79

Nasawi ang 109 toneladang bangus at tilapia na nagkakahalagang P9 milyon sa Taal Lake sa bahagi ng Talisay, Batangas.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), bumaba ang oxygen sa tubig sa nasabing lawa sa bahagi ng Tanauan at Talisay habang tumaas naman ang ammonia at sulfide sa tubig na nakapipinsala sa mga isda.

Kumuha ng sample ng tubig ang BFAR nung Hulyo 5, 2021 at nasa 2.38 milligram (mg) per liter hang­gang 3.8 mg per liter lamang ang oxygen sa tubig samantalang 5 mg per liter ang standard na oxygen na kailangan para mabuhay ang mga isda.

Ang laman naman na ammonia ng tubig sa Taal Lake ay nasa 0.12 hanggang 0.21 mg per liter at ang sulfide naman ay nasa 0.01 hanggang 0.10 mg per liter.

Sabi ng BFAR, nakikipag-ugnayan na ang lokal na pamahalaan ng Talisay sa mga operator ng fish cage para sa ligtas at maayos na pagkuha ng namatay na mga isda sa lugar.

Hindi naman sinabi ng BFAR kung may kinalaman ang pagsabog ng Bulkang Taal sa pagkamatay ng mga isda. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.