Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9M Mega lotto jackpot sinolo ng taga-Laguna

0 125

Nasolo ng isang mananaya mula sa Laguna ang halos P9 na milyon jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola Lunes ng gabi.

Sa inilabas na advisory kahapon ng PCSO, nakuha ng masuwerteng mananaya ang mga winning numbers na 36-17-29-28-12-05 na may kabuuang jackpot prize na P8,910,000.

Nabili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa San Pablo, Laguna.

SM food to go Banner Ad

Mayroon namang 41 mananaya na mag-uuwi ng tig-P32,000 matapos makuha ang lima sa 6 numero.

Ito na ang ikalawang mananaya na milyonaryo ngayong Abril matapos na unang mapanalunan ng nag- iisa ring mananaya ang P33M jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw nitong Abril 20. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.