Abante Tonite
Mabilis sa Balita

P9M puslit gamot ‘kontra COVID’ sinamsam

0 25

Sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Parañaque City ang P9 milyong halaga ng mga smuggled Chinese goods, kabilang ang gamot na binebenta bilang panggamot diumano sa COVID-19.

Pinangunahan ni Alvin Enciso, chief of Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port, ang pagsalakay sa isang warehouse sa Sunrise Street sa Tambo nitong Biyernes.

Nadiskubre dito ang mga illegally imported Chinese medicine na Lianhua Qingwen, sigarilyo, mga pagkain at iba pang item.

“We will need to do inventory, but most of the goods are Lianhua Qingwen which is used as medicine for Covid-19,” pahayag ni Enciso kahapon.

Dala ng raiding team, na kinabibilangan ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit, ang letter of authority na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

SM food to go Banner Ad

Dinala na umano ang mga kinumpiskang item sa kostudiya ng BOC at nakatakdang isailalim sa inventory ngayong araw.

Noong nakaraang taon, pinayagan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Lianhua Qingwen na gawa ng kompanyang Shijiazhuang Yiling Pharmaceutical Co. Ltd., isang Chinese firm na kilala sa kanilang traditional Chinese medicine.

Kasunod nito, naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy sa Maynila, na marka umano ito ng mahalagang simula ng pagpasok ng traditional Chinese medicines sa bansa.

Gayunman, pinaalalahanan ng FDA at ng Embahada ang publiko na bumili lang ng nasabing produkto mula sa mga awtorisadong distributor. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.