Abante Tonite Interactive

PA artist kinasuhan ni Giannis

276

By VE

Kinasuhan ni NBA MVP Giannis Antetokounmpo ang isang Pennsylvania artist na nagbebenta ng ‘Greek Freak’ merchandise.

Ni-rehistro ng Milwaukee Bucks star ang kanyang nickname sa US Patent and Trademark Office noong isang taon.

Abante Hiring – IT dep

Nagpadala ang kanyang abogado ng cease and desist letter kay Jinder Bhogal nitong May.

Tinanggal ni Bhogal ang ‘Greek Freak’ merchandise sa kanyang website, pero hindi sa kanyang Facebook page.

Base sa reklamo, misleading daw ang mga binebenta ni Bhogal dahil inakala ng custo-mers na konektado ito kay Antetokounmo.

Hinahabol ni Antetokounmpo ang lahat ng kinita ni Bhogal sa pagbebenta o $2 million sa bawat counterfeit mark na nabili.