Abante Tonite Interactive

Pa-bingo ng Pagcor sangkatutak ang premyo

233

Sangkatutak na papremyo ang nag-aabang ngayon sa ‘P1K for P1M’ PAGCOR-wide linked ­bingo game sa Pebrero 22 sa Casino Filipino Manila Bay sa Rizal Park Hotel sa Ermita, Maynila.

Matapos ang mata­gumpay na first phase nitong January 25, ito ang ikalawang pagkakataon para sa mga bingo player na tumaya. Sa halagang P1,000 lang ng ticket ­entry, makakapaglaro na ng 10 ulit.

Sa buong 1-9 game maaaring mag-uwi ng P100,000 habang grand prize na P1M sa final round.

Ang mga interesadong makilahok sa event ay maaaring dumalo sa CF Manila Bay o sa kahit anong Casino Filipino branch sa Angeles, Bacolod, Carmona, Cebu, Davao, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon, Olongapo, Parkmall (Cebu), Ronquillo (Manila), Tagaytay at Talisay (Cebu).

May kasunod pa ito sa Marso 28, Abril 18, Mayo 23, Hunyo 13, Hulyo 18, Agosto 22, Septyembre 26, Oktubre 17, Nobyembre 14 at December 19.

Bisitahin lamang ang www.pagcor.ph at www.casinofilipino.ph kung may katanungan o tumawag sa PAGCOR Department sa sa numerong 7755-3699 pocals 7201 to 7204. (AE)