Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pa-booster na bago Mayo 9

0 42

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hindi pa nakatanggap ng booster shot laban sa COVID-19 na magpaturok na bago bumoto sa eleksiyon sa Mayo 9.

Sa kanyang ‘Talk to the People’, magkakaroon ng pagdagsa ng mga tao sa polling precincts kaya mahalagang magpa-booster shot bago humalo sa mara­ming tao.

SM food to go Banner Ad

Wala aniyang problema sa supply para sa booster shot kaya dapat samantalahin bago sumapit ang eleksiyon para mayroong proteksiyon.

“There will be crowding again of people, congregating, and it would be good to have the booster shots before you go out and mix with the crowd,” anang Pangulo.

Malaking bagay aniya ang booster shot dahil magbibigay ito ng dagdag proteksiyon laban sa COVID-19 at hindi mag-aalala na matamaan ng impeksiyon sa mga matataong lugar. (Aileen Tali­ping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.