Abante Tonite Interactive

Pa-charming ni young actress wa epek kay bagets actor

623

Magkasama sa isang teleserye ang isang young actress at isang bagets actor. In fairness, maganda naman ang batang aktres pero napapansin siya na hindi gaanong nakikipag-usap sa kanya ang bagets actor during their free times.

Minsan nga ay pumupunta pa si young actress sa tent ni bagets para makipagkuwentuhan at para magpa-impress, pero mukhang walang epek ang kanyang pagpapa-charming. Tila iniiwasan siya.

Kapag naririnig na niya ang boses ni young actress, it’s either magbabasa siya ng kanyang script o kaya’y nagtulug-tulugan.

Pero kapag eksena na nila, kering-keri naman ng dalawa ang kanilang role bilang magdyowa sa teleserye.

Kaya minsan, naiinis na raw si young actress dahil manhid raw si bagets actor.

One time, sinungitan niya ito hoping na magbabago at magiging sweet ito sa kanya, pero ganu’n pa rin, deadma lang si bagets actor.

Bakit kaya walang epek ang mga pagpapapansin na ginagawa ni young actress kay bagets actor?

Sino sila? Si young actress ay maganda at marunong umarte.

Napakaguwapo naman ni bagets actor.

Talagang malalaglag ang panty ng mga kadalagahan sa kanya lalo na kapag tinititigan mo siya. (Timmy Basil)