Abante Tonite Interactive

Pa-golf ni Heber sa Mayo 4

201

Magsasagawa ng isang fund raising golf tournament si Heber Bartolome para sa homegrown na music talent.

Ito ay tatawaging Desiderata Golf Tournament na pangungunahan ni Bartolome sa pakikipagtulungan ng Veterans Senior Golfers Association at ihahatag sa darating na Mayo 4, 2019.

Pangunahing mis­yon ng torneo na makailak ng pondo upang makapagbigay ng libreng songwriting workshop sa mga songwriter na taong 2004 pa sinimulan ni Bartolome.

May premyong P100,000 ang makaka-hole-in-one na mula sa Pagcor at ang ilang hindi papalarin ay makakatanggap ng mga regalo mula sa Unilever at Coconut House.

Sa mga nais lumahok ang registration fee ay P250 lang hanggang Mayo 4 sa Veterans Golf Course sa Quezon City na pagdarausan ng isang araw lang na torneo. (Fergus E. Josue, Jr.)