Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pa-HK na Pinoy dadaan sa butas ng karayom

0 295

Matinding requirement ang kailangan ng mga Pinoy na babalaking pumunta sa Hong Kong ngayong COVID-19 pandemic.

Sa nilabas na regulasyon ng HK government, naghigpit ng mga requirement sa mga dayuhan mula sa pitong bansa sa mga lilipad patungong Hong Kong.

Kasama ng Pilipinas ang Bangladesh, India, Indonesia, Nepal, Pakistan at South Africa sa mga babantayan ng Hong Kong ang pagpasok ng mga residente sa naturang bansa.

Sa bisa ng Prevention and Control of Disease (Regulation of Cross-boundary Conveyances and Travellers) Regulation, kakailanganing makapagpakita ng negatibong resulta sa RT-PCR test ang isang indibiduwal na nanggaling sa Pilipinas o sa mga bansang nabanggit.

Ang negative result ay dapat lumabas 72 oras mula sa departure time patungong Hong Kong.

Bukod pa dito ay kakailanganin din magpakita ng booking sa hotel na hindi bababa sa 14 na araw bilang mandatory quarantine period. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.