Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalala ng tapat na pagbabantay sa atin ng Birhen!

0 470

Handa na ang Simbahan sa pagdiriwang Pista ng Mahal na Birhen ng Bundok Carmelo. Ginugunita tuwing Hulyo 16 ang pagkakaloob ni Maria sa Iglesya ng kayumangging tela na tumatayong tanda ng pagtatalaga ng sarili sa Diyos.

Makasaysayan ang selebrasyon ngayong taon dahil sa COVID-19. Paliwanag ng Iglesya, “The scapular reminds us that we are under the watchful vigilance of our heavenly mother, and that she is our own since we are her children who have cost her so dear.”

Matatandaan, nagpakita noong Hulyo 16, 1251 ang Birhen kay San Simon Stock, ang unang Pangulo ng Carmelite Order. Nangyari ang pangintan sa Inglatera kung saan inaatasan ng Birhen ang grupo na ipalaganap ang debosyon sa tanan.

Saad ni San Simon, nangako si Maria na hindi matitikman ng mga tapat na magsusuot ng kanyang eskapularyo ang walang-hanggang apoy ng impyerno. Maaasahang tanda aniya ng siguradong kaligtasan ang nasabing tela na may dalang kaligtasan.

Taong 1726 nang lumaganap ang debosyon sa Birhen del Carmen matapos aprubahan ni Papa Benedicto XIII ang aparisyon. Mula noon patuloy ang pagdami ng mga umaasa sa mga kalakip na mga pangako ng tinaguriang ‘Kapa ng proteksiyon ni Maria.’

Ngayong taon ang ika-769 anibersaryo ng ‘Brown Scapular’. Napapanahon ang paggunita ng patuloy na patnubay sa atin ng Birhen sa gitna ng lumalalang pandemya, kung kailan marami na ang nasawi at unti-unting nawawalan ng pag-asa.

Sa ‘di mapuksa-puksang virus, wala tayong magawa kundi magmakaawa sa Diyos, nagsusumamo na ipagkaloob na Niya ang lunas sa COVID-19. Samantala, patuloy tayong sisilong sa manta ni Maria, buo ang loob sa kanyang mahabaging kalinga.

Sa huli, narito ang bilin ng Simbahan ngayong Pista ng Eskapularyo: “Being the Patroness of sailors, Our Lady of Mount Carmel remains our sure haven in the midst of the storms of life. May we not forgo approaching Our Lady in these uncertain times so that she may help and protect us.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.