Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalala sa halalan !

0 88

Malapit na ang ating halalan! Ilang araw na lang ay lalakbay tayo patungo sa ating mga precincts at voting centers upang ihalal ang mga liderato ng ating pamahalaan , mapa lokal at nasyonal. Mga mahigit na 67 Million ang pupunta sa may mahigit sa 400,000 na mga polling places sa buong bansa. At dahil sa dami natin, hindi malayong magsiksikan, at magdadagsaan ang mga botante na tutuloy dito. Alalahanin lang din natin na umaaligid din ang Covid19. Kaya may itinalagang guidelines at tamang proseso ang COMELEC sa darating na May 9. May mga nagtatanong tungkol sa tamang gagawin sa araw na ito. Taliwas sa isang naging viral na video kamakailan na nagbigay ng mga proseso, liliwanagin natin ang mga ito upang hindi malito tayong mga botante.

Ayon sa Comelec, hindi na kailangan ang vaccination card at pati ang pagsuot ng face shield. Ang pagsuot nito ay boluntaryo sa mga lugar na Alert level 3 o pababa. Ang buong NCR at ibang lugar ay nasa Alert level 1 pa din hanggang ika 15 ng Mayo. Ngunit ang face mask ay kinakailangan at ang pananatili ng physical distancing ng 1 metro. Ang mga sumusunod ay ang gagawing pagiingat laban sa Covid19.

Pagdating sa polling places, may temperature check na isasagawa. Kung mas mababa sa 37.5 degrees Celsius, ay tutuloy na sa assistance desk upang kunin ang precinct at sequence number. Kung 37.5 o higit pa, eeksaminin ng health care worker. Kung may lagnat at may sintomas ng Covid19, dadalhin kayo sa isang isolation polling place upang makaboto ng malayo sa ibang botante.

Pagpasok sa loob ng precinct ay bibigyan tayo ng marking pen, “secrecy folder”, at ang ating balota. Sisiguruhin ito ng mga poll clerks na malinis at nasanitize lahat bago pa iabot sa atin.

Ang mga sumusunod ay ilang paalaala ng Comelec. Alam kong wala na itong kinalaman sa kalusugan, ngunit mainam na din malaman, nang sa ganon ay mabawasan din ang stress natin sa araw na ito.

SM food to go Banner Ad
  1. I-shade ng mabuti ang pipiliing numero ng kandidato.
  2. Huwag mag-over vote. Huwag mag shade ng mas madami pa sa kinakailangan sa puwesto upang hindi mainvalidate ang balota. Kung isa lang ang kailangan, isa lamang. Kung isang dosena, tulad na lang sa bilang ng senador, huwag lumagpas dito. Ngunit kung kulang sa labing dalawa ay bibilangin at valid pa din ang balota.
  3. Huwag gumawa ng kung ano-ano pang marka sa balota at baka hindi mabasa ng vote counting machine.
  4. Pagkaboto, ipasok ang balota sa vote counting machine at tingnan ang voter’s receipt, bago ilagay ito sa lalagyan.
  5. Ibalik ang marking pen at “secrecy folder” sa polling clerk.
  6. Pagnatapos ang lahat ay lalagyan na ng indelible ink ang daliri, kadalasan ang intuturo, bilang katunayan na nakaboto na.
  7. Kung may kapansanan, senior citizen, o hindi marunong magbasa at magsulat, maaari itong tulungan punuin ang balota ng isang kamag anak, kasamahan sa bahay, caregiver, o personal assistant na nasa edad na.
  8. Alalahanin din natin na bawal kumuha ng litrato sa loob ng polling precinct.

Sa mga trials na ginawa ng Comelec, mga 5 minuto lamang aabutin ang pagboto, ngunit dahil sa mga karagdagang pagiingat laban sa Covid19, maaaring umabot ng 30 minuto ang proseso kaya’t maaga nang magpunta ng hindi mapagsarhan.

Napakahalaga nga karapatang bumoto. Ipinaglaban ito ng ating mag ninuno. Huwag natin sayangin ito.

Hanggang sa susunod ! Stay Healthy! Stay safe! Be vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing linggo 11am-12nn at Kapitbahay sa DZEC1062 tuwing sabado 715am) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.