Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalam asinta quarters: Petecio puntirya finals vs Italian

0 88

Nakalatag na ang game plan para sa mga laban nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam na uupak sa kani-kanilang mga karibal sa 32nd Tokyo Olympics ngayong Sabado sa Kokugikan Arena sa Japan.

Pakay ni Petecio na mapataob si Testa Irma ng Italy sa women’s featherweight division semifinals bout sa alas-12:39 ngng tanghali para makasigurado ng silver medal o makapaglaro sa finals.

“We have a game plan for the next fight. The Italian girl weighed 60kgs. She’s similar to the Taipei girl but she hooks and sways back. So we’re gonna take a counteract move, but I’m comfortable with Nesthy’s performance,” sey ni Australian coach Don Abnett.

Balak sundan ang gold medal finish ni weightlifter Hidilyn Diaz noong Lunes, idiniin ni Petecio na ayaw niyang magpakampante at pangunahan ang lahat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Isa-isang laro lang po muna, baka madapa tayo,” anang tiyak ng may bronze medal na boksingerang Davaoeña.

Kabanatan naman ni Paalam sa Round of 16 men’s flyweight si Mohamed Flissi ng Algeria sa alas-10:48 nang umaga.

“Carlo’s opponent is a very experienced boy. He’s boxing in the WSB (World Series of Boxing),” hirit ni Abnett kay Flissi. “But Carlo’s gonna get moving, similar to the game plan that he did in his last fight, he probably just continue with that. If it’s working, then we won’t change it.” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.