Abante Tonite Interactive

Paalam coach Sloan!

0 364

PUMANAW na ang matagal naging Utah Jazz coach na si Jerry Sloan sa edad na 78 Biyernes.

Inihayag mismo ng pamunuan ng Jazz ang pagpanaw ni Sloan sa Twitter na may photo caption “Rest easy, coach.”

“Jerry Sloan will always be synonymous with the Utah Jazz. He will forever be a part of the Utah Jazz organization and we join his family, friends and fans in mourning his loss,” pahayag ng koponan.

“We are so thankful for what he accomplished here in Utah and the decades of dedication, loyalty and tenacity he brought to our franchise. Like (John) Stockton and (Karl) Malone as players, Jerry Sloan epitomized the organization. He will be greatly missed. We extend our heartfelt condolences to his wife, Tammy, the entire Sloan family and all who knew and loved him.”

Ang mahusay na si Sloan ay unang nakitaan noong 2016 ng Parkinson’s disease.

“I’m not scared,” sabi lamang ni Sloan matapos malaman ang sakit.

Si Sloan ay napabilang sa Hall of Fame noong 2009. Hinawakan nito sa loob ng 23 taon bilang head coach ang Jazz at may 26 taon naging coach sa NBA.

Nagawa naman ng Jazz makatuntong sa playoffs na 20 beses sa 23 taon, kabilang na ang back-to-back na paglaro sa NBA Finals noong 1996-97 at 1997-98.

Orihinal na miyembro ng expansion club na Chicago Bulls noong 1966-67, umakyat si Sloan sa coaching matapos ang 11-taon na paglalaro.

Kilala si Sloan sa kanyang “hard-nosed defense” bilang player habang umiiskor ito ng halos 18.3 puntos kada laro noong 1970-71.

Si Sloan ay two-time All-Star at four-time All-Defensive First Team selection. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad