Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalam ninang Ligaya Manalang

0 546

Lumuha ako noong Biyernes, Hulyo 10 ng umaga nang mabasa ko sa mga Facebook post ng ilang dating national archer na namatay na ang matagal na dating National Archery Association of the Philippines (NAAP), Inc. secretary general-treasurer na si Ligaya ‘Gaya’ P. Manalang ng #281 Playa Street, Balut, Tondo, Maynila sa edad na 79 dahil sa atake sa puso dulot sanhi ng matinding hika.

Inabo na ang kanyang bangkay kinabukasan (Sabado) ng alas-4:00 nang hapon sa Arlington Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Quezon City kung saan siya ibinurol sa Room Solace ground floor hanggang kahapon (Lunes).

Ihahatid ang kanyang labi sa huling hantungan sa Eternal Garden Memorial Park-Baesa sa Caloocan City ngayon (Martes) ng alas-9:00 nang umaga matapos misahan sa alas-8:00 nang umaga.

Inulila ni Ligaya, ninang ko po sa kasal kay Rina M. Endaya, ang mga kapatid niyang sina Nancy M. Lejarde, Virginia P. Manalang, Leticia P. Manalang at Lorna P. Manalang, at mga pamangking sina former national coach Henry Manalang, Garry at Gladys.

Tumutulong hanggang sa taong ito sa sport si Ninang Gaya, na ang pinakamalaking kontribusyon ay ang pagtuklas kay Jasmin Figueroa-Dungca ng Tondo sa pag-coach ni Henry na nag-27th place sa 2004 Athens Olympics.

Iyon ang pinakamataas na tinapos ng ‘Pinas sa quadrennial sportsfest sapul noong 1972. Sinilat ni Jasmin ang noo’y five-time world champion, Olympics bronze medalist at former world No. 1 na si Natalia Valeeva ng Italy.

Salamat po sa mga natutunan kong aral mula sa isa sa mga pinakamababait na nakasalamuha kong nilalang sa mundong ito. Hanggang sa muli pong pagkikita Ninang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.