Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalam, Nita Hontiveros Lichauco, Presidente ng PAWS

0 91

Dear FURRever FURRiends:

Ikinalulungkot kong ibalita na si Nita Lichauco, Presidente ng Philippine Animal Welfare Society ay pumanaw na nitong Oct 11, 2020 sa edad ng

93.

Ayon sa PAWS Facebook, lumaki si Nita na napapalibutan ng mga pets. Tinuruan siya ng kanyang mga magulang na i-respeto at magingmaalaga sa hayop. Dahil dito, naging matapangna tagapagtanggol ng mga hayop si Nita. Hindisiya takot na harapin ang mga animal abusers.

Bagaman ang pangarap niya ay magingabogado, tinapos niya ang Associate in Arts sa UST at Music sa PWU. Kung naging abogado lang daw siya, sana naipagtanggol daw niya nang mas maigi ang mga abused animals.

Pero sa tutoo lang, mga Petmalu, marami ang nagawa niya para sa kapakanan ng mga hayop!

Nagsimula ang kanyang adbokasiya noong 1954, nung nag-volunteer siya sa PAWS, sa ilalim ng founder na si Muriel Jay, isang British teacher.

Nag-fa-fundraise daw sila noon sa pamamagitanng pagbenta ng mga stuffed toys na gawa din nila. Mayroon pa silang mga volunteer na nag-papatrol, sakay sa bisikleta, at sumasagip ngmga stray animals. Nakapagtatag din sila ng sariling vet clinic.

May mga panahon daw na iniisip ni Nita na sana hindi siya ganoon ka-passionate para sa mga hayop. Nararamdaman daw niya kasi ang talas ng paghihirap ng bawat abused animal. Pero nagpapasalamat na rin siya dahil, at least, hindi siya manhid sa pagdurusa ng iba, mapa-tao man o hayop.

Noong bumalik si Muriel Jay si England, unti-unting naging inaktibo ang PAWS hanggang saito ay naging dormant.

Pero sa 1986, muling binuhay ni Nita (at ang kanyang maliit na tropa ng animal lovers) ang PAWS. At sa loob ng 13 na taon ng pangangampanya, nakamit nila ang Animal Welfare Act na nilagdaan ni Pres. Fidel V Ramos at naging batas noong 1998. Dahil dito, ang Pilipinas ay ang kauna-unahang bansa sa South East Asia na nagkaroon ng batas para sa kapakanan ng mga hayop.

May isa pa silang batas na ipinaglaban – Ang Anti-Rabies Act of 2007 na nilagdaan naman niPres. Gloria Arroyo.

Dahil sa mga batas na ito, nagkaroon ng mga legal na mekanismo ang mga animal advocatespara maprotektahan ang mga hayop. Pero sa lahat ng nagawa ni Nita, ang pinaka-powerful para sa akin ay ito: ang pag-tawag niya sa lahatng hayop ng “My children.” Nakakataba ng puso!

Magkikita-kita din tayo, isang araw, sa Rainbow Bridge, Nita! Maraming salamat sa lahat ng ginawa mo!

Nagmamahal,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.