Abante Tonite Interactive

Paalam Tito Eddie

388

ARA’S SECRET
Ara Mina

(This photo was taken at MMFF 2002 when we bagged the Best Actor and Best Actress for Mano 1)

Ang makatrabaho ang isang Tito Eddie “Manoy” Garcia ay isa pong ma­laking karangalan. Ito po ay isa sa maipagmamalaki ko bilang isang artista.

Mas lalo po ‘yung kasiyahan ko nang pumayag si Tito Eddie na mabilang sa kauna-unahan kong movie na pinroduce ang “Ate” (2007).

Saan ka man po naroroon gusto ko pong malaman n’yo na isa ka po sa iniidolo ko sa industriya, napaka-humble n’yo po. Hindi ko po makalimutan ng ayaw n’yo po magbigay sakin ng presyo ng TF at sinabing bahala na ako.

Related Posts

Lalo ko po kayong hinangaan ng makita ko po ang busilak n’yong kalooban.

Nakakatuwa rin alalahanin na nu’ng gumagawa pa kami ng soap noon na “Kung Mawawala Ka” lagi siyang maaga sa set at mas maaga pa siya sa call time niya. Wala kang maririnig na reklamo pag inuumaga ang taping namin non.
Makikita mo na very professional siya at super love niya trabaho niya.

May naalala pa ko na binilin niya noon na huwag daw uupuan ang script dapat inii­ngatan. Tapos may eksena kami na kailangan niya ko sampalin dahil ang role ko rebeldeng anak niya sabi niya sa akin before take okay lang ba daw kasi baka mamaya mapalakas sampal niya sakin. Masarap po katrabaho ang isang Tito Eddie.

Sa apat na beses po na pagsasama natin sa mga proyekto (Emong Salvacion movie, Kung Mawawala ka TV series, Ate movie at Mano Po 1 movie) napakarami n’yo pong naiambag sa akin sa larangan po ng pag-arte.

Muli, maraming salamat po sa magagandang alaala at sa mga payo mo na habambuhay kong magiging gabay, paalam po Tito Eddie?????? #RIPEDDIEGARCIA