Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalam, Undertaker

0 237

Magpapahinga na si The Undertaker sa mundo ng wrestling.

Ito’y matapos na magpaalam na si Undertaker, 55, sa Survivor Series, kung saan pinakita sa hologram ang kanyang dating manager na si Paul Bearer.

“My time has come to let The Undertaker rest in peace,” pahayag ng WWE legend sa kanyang huling pagsampa sa wrestling ring.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bilang pagkilala kay Undertaker (Mark William Calaway) sa totoong buhay at tubong Houston, Texas, dumalo rin sa farewell ceremony para sa kanya ang ilang legend din ng WWE na sina Kane, Shawn Michaels at Triple H.

30 taon ding nagtagal si Undertaker sa WWE, kung saan huli siyang lumaban sa WrestleMania 36 at tinalo si AJ Styles.

Ilang WWE superstar naman tulad ni John Cena ang nagbigay tribute sa pambihirang wrestler. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.