Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paalam`Agimat’

0 534

Sumakabilang buhay na sa edad na 93 si ang dating senador Ramon Revilla Sr., base sa Facebook live ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

“Wala na po ang tatay ko, please pray for him,” umiiyak na pahayag ng senador.

Ipinakita din ni Senator Revilla sa pamamagitan ng Facebook Live ang eksena sa hospital room matapos pumanaw ang kanyang ama.

Noong June 25 ng umaga nag-post sa kaniyang Facebook si Senator Revilla at humiling ng dasal sa pinagdaraanan ng kanyang ama.

Nabatid na May 31 nang isugod sa ospital ang nakatatandang Revilla matapos mahirapang huminga. Ilang araw din itong namalagi sa ICU ng St. Luke’s sa BGC at noong June 14 nang mailipat pa sa regular room matapos bumuti ang kondisyon.

Si Ramon Revilla Sr. ay naging senador ng bansa noong 1992 hanggang 2004 at nakilala sa larangan ng showbiz, bilang “Hari ng Agimat”.

Sa huling anunsyo gagawin ang burol sa mansion ng mga Revilla sa Bacoor, Cavite. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.