Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paandar kay Marcos Jr butata sa Comelec exec

0 165

Sinita ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez ang hindi tama at “misleading” na pahayag diumano ng kampo ni dating senador Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa inihaing disqualification case laban sa kandidato nito sa pagka-pangulo.

Nabatid na ang press release ay ipinadala sa media kahapon ng kampo diumano ni Marcos kung saan sinabing wala umanong maliwanag na basehan ang disqualification case na isinampa laban ditto sa Comelec.

Nakasaad umano sa PR ang pahayag ni Jimenez na “Bongbong does not fit the criteria, and that there is no clear basis for the disqualification case.”

Nilinaw ni Jimenez na ang quote na ginamit sa PR ay mula sa panayam sa kanya noong Nobyembre 2 at hindi kahapon, Miyerkoles.

Nangyari umano ang panayam bago naghain ng petisyon sa Comelec ang mga civic leader na humihiling na i-disqualify si Marcos sa 2022 presidential election.

“At the time of our interview, there was no filing against the [former] senator, and therefore what I said could not possibly be construed or framed as referring to that subsequent event,”” ani Jimenez.

“The PR is misleading. The quote was referring to why [former] senator Marcos hadn’t yet been disqualified despite the fact of his conviction. The original quote should have been taken in the context of the fact that the senator ran for vice president in 2016,” dagdag pa ni Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na ang mga sinabi niya ay hindi komento sa kasalukuyang petisyon na isinampa.

Nabatid pa sa panayam kay Jimenez na tinanong ito kung si Marcos ba ay maaaring hindi makalahok sa 2022 elections dahil sa kanyang 1997 tax case conviction.

“Under the law, a conviction has to be for a crime committed under moral turpitude or for an offense and a sentence is a penalty of at least 18 months,” tugon ni Jimenez.

Wala pang pahayag ang kampo ni Marcos sa reaksyon ni Jimenez. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.