Abante Tonite Interactive

Paano ba magtipid?

By
429

Pagkatapos ng Bagong Taon ay siguradong tapos na rin ang laman ng ating bulsa dahil sa dami ng gastos na ating pinaglaanan.

Kaliwa’t kanang bili ng mga pangdekorasyon, pangre­galo, pamigay sa mga inaanak at siyempre panghanda.

Kaya naman ngayong bagong taon ay simula na rin ng bagong pag-iimpok para naman sa mga pagkakagastusan sa hinaharap. Marami namang paraan para gawin ito at ang mga sumusunod ay puwede nating subukan maliban sa pag-iipon sa bangko:

1. Barya lang po sa umaga. Jeepney style. Tuwing umaga ay puwede tayong maghulog ng mga barya sa ating alkansya. Hindi natin mapapansin na ang lima-lima, sampu-sampu na inihuhulog natin ay makakapuno na pala ng isang malaki at mataas na alkansya.

2. Bente-bente. Ito naman ang tinatawag na Divisoria style. Tuwing magkakaroon ng banteng papel sa wallet mo ay puwede mo itong ibukod at itabi sa wallet na puwede mong itago sa isang safe place na ikaw lang ang nakakaalam.

3. Sukli. Tindahan style naman ito kung saan ang bawat sukli na makukuha mo mula sa iyong pagbili sa tindahan man o supermarket o mula sa iyong pagsa-shopping ay puwede mong itabi at gawing ipon.

Ilan lang ang mga iyan sa mga paraan na puwede mong subukan. Mga paraan ng pag-iipon na hindi makakabigat sa’yo at hindi mo mamamalayan na Malaki na pala. O ‘di ba, ti­pid style na pagtatabi ng pera na sa bandang huli ay makakatulong sa iyong malaki.