Abante Tonite Interactive

Paano ba malalaman kung sariwa pa ang karne at isda

By
1,236

Manok – Walang pasa-pasa ang balat nito. Manila-nilaw ang taba at siksik sa laman. Wala nang balahibo at tanggal na ang laman-loob, mga paa o kuko at maging ang ulo.

Baboy – Malalaman mong sariwa pa ang karne ng baboy kung hindi masangsang ang amoy nito. May pagka-­rosas ang kulay ng laman at hindi maputi ang taba. Malambot kapag hinawakan at bumabalik sa dating anyo kapag pinisil. Malinis at wala nang nakadikit na mga buhok.

Baka – Sariwa naman ang karne ng baka kung ma­mula-mula ang laman nito at ang taba naman ay manilaw-nilaw. Wala kang maaamoy na di-kanais-nais. Malambot at hindi pinatigas sa ­freezer. Makinis at wala nang mga balahibo.

Isda – Hindi bilasa ang isda kung mapupula pa ang hasang nito. Nakaumbok pa ang mga mata at hindi namumula. Ang mga kaliskis ay sobra pang nakakapit sa balat. Hindi pa mabaho at ‘di humihiwalay ang tinik sa laman.

Bago mamili ay tiyakin ding may tatak ang produkto na nagpapatunay na nasuri ito ng pamahalaan at ang presyo ay naaayon sa itinakda ng DTI.

Tandaan: Maaaring magdulot ng sakit o food poisoning ang sinumang makakakain ng bulok na isda at botcha o double-dead meat kaya upang makasigurong ligtas ay magkaroon ng pamantayan sa pamimili ng ligtas o sariwang karne. ()