Abante Tonite Interactive

Paano ba malalaman na magulang na ang manok?

462

Magandang araw mga kasabong.

May mga tanong kung paano malalaman na magulang na ang manok? Kasi daw nalulugi sila sa ulutan. Minsan ay tumitingin sila sa tahid at doon inaakala nila na bata rin ang manok na kanilang lalabanan.

Inamin naman ni Kardo Guttierez na bago pa lang siya nagsasabong, pero gusto kasi niya siya ang mag-uulot ng kanyang panlaban. Mga klasmeyt meron kasing magagaling magtasa ng tahid.

Ginagamit nila ‘yun para makalamang sa ulutan, kung beterano ka ‘di ka basta madedenggoy ng tahid pero kung baguhan ka ay maloloko ka na bata ang kalaban mo.

Ang gawin mo kasabong, kumuha ka ng manok na stag at manok na magulang at saka mo sila pagmasdan, doon malalaman mo ang kaibahan nila lalo na sa balahibo.

‘Di mo naman kasi mahihipo ang manok ng kalaban mo sa ulutan kaya silipin mo ‘yung balahibo, kapag medyo malapad ang tubo, puwedeng sa paa ka tumingin sipatin mo kung malapad ang kaliskis, tiyak na magulang na iyon. Tingnan mo rin ang tayo, kapag medyo sayad, magulang na.

Basta ang unang mong titingnan klasmeyt ay ang balahibo, ‘yan ang konting tip na puwedeng makatulong sa iyo sa pag-identify ng magulang na manok, sana nakatulong ako.

Sa July 30 ilalarga ang 2019 Luzon Breeders­ Cup/9-Stag Derby/2-Stag eliminations sa Dragon Cockpit sa Oriental Mindoro.

Good luck po sa mga kaibigan kong maglalaban sa Linggo, sana manalo po kayo para maka-picture he he he.