Abante Tonite Interactive

Paano i-handle o harapin ang stress?

378

Ang stress na nararanasan ng tao ay nagmumula sa pagiging ‘di panatag sa pinansyal o iba pa, sobrang dami ng gawain, ‘di pagkakasundo o masaklap na karanasan. Kadalasan ito ay may epekto, nagkakasakit, pagkasagad ng emosyon, ‘di pagkakatulog, ‘di pagkain nang maayos at depresyon.

Gusto kong ibahagi ang aking ginagawa ‘pag may mga bagay na ‘di maiwasan na maii-stress ka. Una kong ginagawa, pipikit ako tapos mag-iinhale exhale ako at ‘di niyo natatanong, ako ay magdadasal na i-control ni Lord ang emosyon ko at tumatahimik ako sandali hanggang makalma ako. Napaka-powerful ng prayers kahit ba ikaw ay kapos sa pananalapi, dasal ka lang, may mga mangyayaring maganda at kahit sa ano pa man na bagay.

After magdasal. Kumain ng maayos na pagkain at ‘wag na ‘wag niyong gagawin na uminom ng may caffeine or alak para ma-destress. Mas maganda kasi kumalma ka na walang alcohol sa katawan mo. Mas makakapag-isip ka nang maayos. Puwede rin itulog mo ang stress, ginagawa ko rin minsan ‘yan. Kaya ako, madali lang mawala ang stress, mga ilang oras lang wala na. Iwasan mo muna ang mga tao na nagdudulot ng stress sa inyo.

Pagdating naman sa routine o dami ng trabaho, matuto na humanap ng puwedeng pagkaabalahan ‘pag wala kayong trabaho, na makakatulong sa pagkatao mo. Katulad ko, ako ay umaakyat ng bundok dahil nakakatulong siya sa akin makapag-refresh. ‘Yung iba naman, puwede pumili ng sports or mag-exercise at magpamasahe, malaking tulong siya para ma-destress ka. Kailangan mo lang i-balance ang buhay mo.
Pero malaking factor din ‘pag positive ang outlook mo sa buhay, mas mababawasan o mawawala ang stress. Basta maging happy lang tayo palagi dahil mas magiging mailap dumating ang stress sayo. Proven ko na siya dahil din sa mga naging experience ko.