Abante Tonite Interactive

Paano i-transfer ang property sa mga anak

0 402

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
May asawa po dati ako pero matagal nang annulled ang kasal namin. Ang nais ko ihingi ng legal advice sa inyo ay tungkol sa property namin ng mister ko.

Dalawa ang naging anak namin na pareho na nasa legal age ngayon.

Gusto ko rin maging maganda ang kanilang kinabukasan kaya nais ko ayusin ang mga property namin ng husband ko para mapaghatian na ito habang malakas o buhay pa kami na mga magulang nila. Mahirap kasi na kapag wala na kami ay saka lang nila ito aayusin baka magkaroon pa ng problema na ayaw kong pagdaanan pa nila pagdating sa usapin ng property namin.

Bago kami na-annul ng asawa ko ay pumirma siya ng Deed of Donation kung saan nakalagay na ang bahay namin ay ibibigay n`ya na sa mga anak namin.

Ginawa po niya ito noong mga menor de edad pa ang dalawang bata.

Ang tanong ko po ay kung valid po ba ang Deed of Donation na pinirmahan ng dati kong asawa?

Sana matulungan po ninyo ako.
Maraming salamat,
Jennylyn

Jennylyn,
Pabor sa inyong mga anak ang ginawang Deed of Donation ng dati mong asawa. Valid iyan kahit matagal na niya ginawa.

Kailangan lamang na ipa-notaryo ninyo ang dokumento upang maiproseso ang paglipat ng titulo sa pangalan ng mga anak ninyo.

Mas makabubuti kung magtutulu-ngan kayo ng iyong mister sa bagay na ito para mas maging mabilis ang proseso. Sabay kayong pumunta at humarap sa magnonotaryo para mapanum-paan at patotohanan ang dokumento na inyong ginawa at pinirmahan.

Tandaan na ang pag-dispose o pag-lipat ng may-ari ng kanyang karapatan sa isang property ay karapatan niya. Ngunit kapag ang asawa mo ay nagkaroon muli ng ibang mga lehitimong anak sa magiging asawa niya (kung magkakaroon) ay maaaring maibalik sa dating estado ang ari-arian upang hindi maapektuhan ang share ng iba niyang tagapagmana kung sakaling hindi sapat ang share upang mahati ng pantay-pantay.

Kakaiba naman kapag ang ginawang dokumento ay isang Deed of Sale (to-toong may bentahan).

Kapag bentahan ang naging transaksyon pabor sa anak ay hindi na ito mababawi pa at maibabalik sa dating estado (estate ng asawa mo) dahil naisalin na sa iba ang ari-arian ng may kasamang konsiderasyon o bayad.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com