Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paano labanan ang stress

0 70

Nakaka-stress! Mag-isip nga lang ng uulamin, nakaka-stress na, mas lalo pa siguro kung wala kang pambili ng ulam.

Hindi lang gastusin ang nakaka-stress ngayong pandemya, kung hindi pati ang paggabay sa mga estudyanteng nag-aaral sa bahay. Nakaka-stress din ang ingay ng kapitbahay at ng mga alagang hayop lalo na kung work from home ka.

Ang pinaka-nakaka-stress ay ang pangambang baka magkaroon ka ng Covid 19 sa paglabas mo. Hindi mo kasi alam kung sino ang meron nito, kung saan ka puwedeng mahawa, at kung ano ang magiging tugon ng katawan mo sakaling magkaroon ka.

May dalawang uri ng stress: ang eustress at distress. Ang eustress ay tinatawag na positive o healthy stress. Ito ang nagtutulak sa isang tao para magpursige – para makamit ang kanyang hangarin at manalo sa mga problema. Pinalalabas ng eustress ang adrenaline at cortisol hormones patungo sa daluyan ng dugo at naglalabas naman ang atay ng itinabing glucose para sa dagdag na enerhiya.

Ang distress naman ay negatibong uri ng stress. Kapag hindi kinaya ng tao ang pagbabago ng hormones dahil sa stress, nakakaramdam ito ng pangamba at matinding pag-aalala. Maaaring taguan niya ang problema sa halip na harapin ito kaya’t nauuwi siya sa matinding kalungkutan o depression.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero alam nyo bang may mineral na maaaring makatulong laban sa mga naiistress na nauuwi sa depression? Ang mineral na ito ay chromium na nakakatulong din sa pagpapanatili sa normal ng blood sugar. Ito ay maaaring makuha sa karne, bigas o wheat, prutas, gulay, mani, herbs at spices. Mayroon din namang chromium supplement.

Malaki rin ang naitutulong ng chromium sa mga napapakain ng sobra at tumataba dahil sa stress. Maaari ring matulungan ng pag-take ng chromium supplements ang mga madalas ay nakakaramdam ng pagkapagod, sobrang pagtulog o di makatulog dahil sa stress.

Maganda ring kumain ng mayaman sa Omega 3 fatty acids, na makukuha naman sa tuna, salmon, mackerel at trout.

Ang Vitamin B at D ay nakakatulong din sa paglaban sa stress. Maganda rin ang nagkikikilos o nag-eehersisyo. Ang ilan naman ay humahanap ng libangan tulad ng paghahalaman, pagkanta at pagsayaw, pagtugtog ng mga instrumento, pagguhit at panonood ng palabas, gayundin ang pakikinig sa musika.

Kung wala pa ring epekto ang mga ito laban sa inyong stress, baka kailangang kumausap na ng propesyonal para makapagpa-psychotherapy. Maaaring tawagan ang hotline ng NCMH USAP: 0917 899 8727 o sa 8989 8727.

Ang isa pang dapat gawin para mawalan ng stress – huwag kausapin ang mga toxic o negatibong tao.

Leave A Reply

Your email address will not be published.